Bago makilala bilang isang magaling na singer, ikinuwento ni Mark Bautista na sumali at nagwagi muna siya sa oratorical contests noong bata pa siya.

Sa "ScrapBukingan" segment ng "Mars Pa More," ipinakita ang lumang larawan ni Mark at bata pa siya.

Isa sa kaniyang mga larawan ay nakasuot siya ng uniporme na pang-Reserve Officers' Training Corps (ROTC).

"CAT, nag-represent ako sa Region 10 na oratorical contest na ginawa sa Armed Forces of the Philippines (AFP), nag-champion ako," kuwento ni Mark.

Binatilyo pa lamang daw, palaban na si Mark.

"Parang palaban, kasi may contest," sabi ng Kapuso singer.

Napa-throwback din si Mark sa isa niyang yearbook photo noong nasa prep o kinder pa siya.

"Last year ko lang yata ito nahalungkat. Kasi may nag-send sa akin sa Instagram na sabi niya 'Mark ikaw pala ito, classmate ka ng ate ko.' Yearbook niya nakuha, pinikturan niya. Tuwang tuwa ako, siyempre gusto kong makita ano ang hitsura ko ng ganiyang age," sabi ni Mark.

"Sa school 'yan, 'pag early morning 'Okay may for yearbook pictorial.' 'Okay,' 'yung mata ko, deadma ka lang, anong yearbook?" dagdag niya.

 

 

sa

--FRJ, GMA News