Sa programang "Wowowin-Tutok To Win," tinanong ni Willie Revillame ang grupong Ex Battalion kung nagkakatampuhan nga ba ang grupo.

"May mga tampuhan po pero napag-uusapan naman po lahat," sabi ni Skusta Clee.

"Kumbaga, hindi namin pinalalaki 'yung mga tampuhan ng mga nangyayari," dagdag ni Skusta Clee.

Nang tanungin ni Kuya Wil kung buo pa rin ang grupo, sabay-sabay nilang sagot, "Buo pa rin."

Sa Disyembre 11, 2021, magkakaroon ng digital concert ang Ex Battalion na pinamagatang "Evoluxion" sa ganap na 8:00 pm.

"Sobrang excited po pero kinakabahan. Simula po kasi nang magka-pandemic ito 'yung first time na makakapag-perform po ulit kami," sabi ni Flow G.

"Na-enjoy namin siya at the same time natatakot kami sa mga swab," dagdag ni Flow G.-- FRJ, GMA News