Inihayag ng nagbabalik-showbiz na si Cristina Gonzales-Romualdez na isa si Xian Lim sa mga gusto niyang maging leading man sa isang daring na project, pero inilahad din niya ang kaniyang kondisyon para rito.

"Kung o-offer-an kang gumanap sa isang 'daring' project, dream leading man mo raw si Xian Lim? Oo o hindi?" tanong kay Cristina sa TaranTanong segment ng Mars Pa More.

"Bakit naman hindi?" sagot ni Cristina, na nagpaliwanag nang mabigyan ng pagkakataon.

"Actually, joke lang 'yung answer ko. Tita na ako niya."

Pero kung mas bata ang kaniyang edad, agad niyang tatanggapin ang proyekto.

"If I was 23 years old," saad ni Cristina.

"Of course, every woman likes fit guys. They look really good and they're fit and they're buff. But if I was 23 years old. But now I'm his mom."

Muli namang nilinaw ng host na si Iya Villania kung isa si Xian sa dream leading man ni Cristina.

"Why not? If I was 23... He's one of the many handsome, young actors nowadays," sabi ni Cristina.

Si Cristina ang anak ng aktor na si Jose Mari Gonzales at Charito Malarky.

Asawa niya ang kasalukuyang mayor ng Tacloban City na si Alfred Romualdez.

Dati rin siyang naging mayor ng lungsod. — Jamil Santos/VBL, GMA News