Inihayag ni Willie Revillame ang paghanga sa husay ni Michael V nang makasama niya sa segment na Pera o Kahon bilang si "Kuya Wowie."

"Alam niyo ho ba nung lumabas si Kuya Wowie sa Pera o Kahon, one of the highhest views 'yan sa Shopee [special]. Umabot daw po 60,000 views, live views po 'yan ng 12:30 ng madaling araw," sabi ni Kuya Wil sa programa niyang "Wowowin-Tutok To Win."

Ginagawa ni Michael V ang karakter na si "Kuya Wowie" bilang pag-impersonate kay Kuya Wil sa longest running gag show sa bansa na "Bubble Gang."

"Michael V. you're the one and only. Nag-iisa ka. Sa uulitin [sana] makasama natin," anang TV host.

Sinabi rin ni Kuya Wil na gusto niyang ma-interview sa show sina "Marites" at "Marisol," na mga karakter din na ginamit ni Micheal V. sa isa pang segment ng Shopee special.

"Marites, puwede kitang mainterview rito?... ang galing!," ayon kay Kuya Wil.