Magiging mommy na si Miss Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez.

Sa Chika Minute report sa GMA News 24 Oras Weekened, sinabing ibinahagi ni Winwyn ang magandang balita sa nakaraang press con ng pelikula niyang Nelia, na kasama sa Metro Manila Film Festival.

Kinumpirma ng Kapuso actress na 21 weeks na ang baby sa kaniyang sinapupunan.

Gayunman, hindi muna niya sinabi kung boy o girl ang paparating na first baby nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend.

Samantala sa isang vlog, makikita naman ang saya nina Winwyn at boyfriend, pati na ang kaniyang mga magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno.

“Me and my partner were both so happy. My family, everyone, super saya namin,” ani Winwyn.

“We’re so happy. We’re over the moon and I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start,” patuloy niya.

Dahil na rin sa kaniyang kalagayan, kailangan ni Winwyn na tumigil muna sa trabaho para matutukan ang kaniyang pagbubuntis at maalagaan ang kaniyang sarili at babay--FRJ, GMA News