Sa Mars Pa More, sinagot ni Alden Richards kung mayroon siyang inaabangang celebrity follower na magre-react o magkokomento sa tuwing magpo-post siya ng kaniyang topless selfies.

"Wala naman po!" natatawang sagot ni Alden na tila may pahiwatig.

Nagulat naman ang Mars Pa More hosts na sina Camille Prats at Kuya Kim Atienza sa sagot ni Alden.

"Bakit wala?" tanong ni Camille.

"Wala man lang kahit na isa? Come on Alden!" ani Kuya Kim.

Nagpainit si Alden sa social media sa ilan niyang shirtless photos, na makikita sa kaniyang Instagram.

 

Gayunman, sinabi ni Alden na resulta lamang ito ng kaniyang sakripisyo para makamit ang magandang hubog ng kaniyang katawan.

"For me, since nanggaling din naman ako sa talagang, how should I say? Hindi magandang pangangatawan before. It's just really for me to showcase something I'm really proud of na talagang tinrabaho ko siya and pinaghirapan para makita naman nila na hard work really pays off," sabi ni Alden. — Jamil Santos/VBL, GMA News