Nakapagtala ng panibagong record ang SB19 sa Billboard, matapos na pitong linggo nang nasa number one spot ang hit nilang "Bazinga" sa Hot Trending Songs chart.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing bago nito, nakakuha na rin ang Pinoy pop group ng 9.3 million Twitter mentions noong Enero 15 hanggang Enero 22.

Sinabi ng Billboard na record-breaking ito dahil naungusan nila ang "Butter" ng global K-pop sensation na BTS, na anim na linggo na nagnumero uno sa nasabing chart.

Kaya nasa music trending ang BAZINGA 7HIS IS MY LEGACY at #SB19LeadsBillboardHTS sa Twitter Philippines.

Nagpasalamat ang SB19 sa kanilang fans. – Jamil Santos/RC, GMA News