Tumanggap ng mga tanong mula sa kaniyang followers sa Instagram si Bea Alonzo. Kabilang sa itinanong sa Kapuso actress ay kung kailan niya balak mag-aasawa at magkakaroon ng mga anak.

Tanong ng netizen kay Bea: "You’re not getting any younger po, when will you get married and have kids like Marian, Anne, Jennylyn, etc.?"

Pabirong panimulang sagot ni Bea sa kaniya, "May taxi?!"

"Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time. It’s not a race after all. I believe we all have our own timeline," patuloy ng aktres.

 




Kasalukuyang karelasyon ni Bea si Dominic Roque. Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong lang August 2021.

Sa pagsalubong sa 2022, magkasama ang dalawa at kanilang pamilya na nanonood ng fireworks habang nasa beach. —FRJ, GMA News