Inilahad ni Kyline Alcantara na nakaranas siya noon na may tao na nangaliwa o nag-cheat sa kaniya.

"I had this experience na ilang beses sa akin nag-cheat 'yung tao na 'yun and then as a naive and young woman ilang beses ko siyang pinagbigyan and akala ko every single time na nag-apologize sakin magbabago na siya," sabi ni Kyline sa kaniyang vlog kasama sina Bea Alonzo at Mavy Legaspi.

Ayon kay Kyline, pinagbigyan niya ang tao "because I had faith in that person and I thought that was one of my purposes in life na babaguhin ko ‘tong tao na ‘to."

Ngunit nang matapos na ang kanilang relasyon, napagtanto niyang "you cannot help a person who doesn’t want to get any help."

"It’ll all start from you, from within at hindi mo dapat siya ipush na magbago and it’s not my job," dagdag pa niya.

"Kailangan ko lang talaga sigurong mapagdaanan 'yon and now I’m aware of that. I’m really, really thankful for that experience," sabi ni Kyline.

Dahil dito, natutunan ng Kapuso actress na huwag maging bitter.

"Sabi ko nga tama na yung pagiging bitter kailangan na maging grateful sa buhay dahil mas marami pang mas malalaki."

Masaya na si Kyline sa relasyong meron sila ni Mavy na inilarawan nila na espesyal at "our own." — Jamil Santos/VBL, GMA News