Inamin ng “Crash Landing On You” star na si Son Ye Jin na first love niya si Hyun Bin.

Ayon sa ulat ng Soompi, ginawa ng aktres ang rebelasyon sa TV show na “You Quiz on the Block.”

Sa naturang panayam, tinanong si Son Ye Jin , na binansagang “the nation’s first love,” kung sino naman ang kaniyang first love.

“My current love is my first love,” anang aktres, patulong sa kaniyang CLOY co-star at fiancé  na si Hyun Bin.

Matapos kumpirmahin ang kanilang relasyon noong nakaraang taon, ibinalita ng dalawa ang kanilang engagement nitong nakaraang linggo. – FRJ, GMA News