Si Bianca Umali naman ang magiging guest celebrity sa masayang sitcom na "Happy ToGetHer," na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz.

Tunghayan ang pasilip sa sitcom at alamin kung ano ang hinihimutok na "three month rule" ni Mike (Jayson Gainza) kay Issa (Bianca). Panoorin.

Bago si Bianca, naging guest din sa sitcom si Herlene "Hipon Girl" Budol.

Ilan pa sa naging bisita sa "HappyToGetHer" sina Faith da Silva, Jasmine Curtis-Smith at  Julie Anne San Jose.

--FRJ, GMA News