Nagluluksa si Zeinab Harake sa pagkawala ng kaniyang baby boy.

Sa Instagram, nag-post si Zeinab ng larawan niya habang karga ang anak na si Bia, at nakatingin sa larawan ng sanggol na mayroong mga bulaklak at kandila.

“My baby boy, rest ka na. Mahal na mahal ka namin ni Ate Bia mo. Bantayan at palakasin mo kami palagi. ’Di ka mawawala sa puso namin. Be our forever angel. Mommy loves you so much,” saad niya sa caption ng larawan.

Nakasaad din sa post ang petsang 4-11-22.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

 

Dinagsa ng pakikiramay si Zeinab at may mga fans na nabigla na malaman na buntis siya sa ikalawa niyang anak.

Mayo noong nakaraang taon nang magsilang si Zeinab sa first baby nila ni Skusta Clee na si Zebbiana. – FRJ, GMA News