Inilahad ni Solenn Heussaff na kay Glaiza de Castro siya na-challenge pagdating sa bilis na magsaulo ng script.

"Na-challenge ako kay Glaiza de Castro dahil sa mga eksena, sobrang bilis niyang mag-memorize ng lines," sabi ni Solenn sa Kapuso Confessions.
"Kahit ganito ang spiels niya (ipinakita sa kaniyang kamay kung gaano kahaba ang spiels). So nahirapan ako kasi mabilis siya," patuloy ng host ng "Taste Buddies."

Kasabay nito, inilahad din ni Solenn ang kaniyang dahilan kung bakit ayaw niyang gumawa ng drama scenes.

"Ayoko ng drama scenes dahil nahihirapan akong umiyak."

Gayunman, sinabi ni Solenn na ang pagiging pasensyosa ang pinakamahalagang aral na natutunan niya sa showbiz.

"Being patient. Patience is a virtue," saad niya.

"Kilala ako sa showbiz as makulit at baluktot mag-Tagalog. Pero gusto ko ring makilala bilang award-winning actress," sabi pa niya.
Aminado rin si Solenn na sa GMA siya natutong mag-Tagalog.

Panoorin ang ilan pa sa mga revelation ni Solenn at alamin kung sino ang gusto niyang makasama sa food trip at adventure.

--FRJ, GMA News