Bininyagan na ang anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Thylane Katana o Tili.

Dalawang taon at apat na buwang gulang na si Tili nang tanggapin ang kaniyang pagbibinyag.

 

 

Mapapanood sa video ni Nico sa Instagram na naroon sa seremonya ang mga magulang ni Solenn, pati ang kaniyang sister-in-law na si Anne Curtis at anak nitong si Dahlia.

Bago ang pagbibinyag, nagkaroon muna ng bonding moments sa beach sila Nico, Solenn at Tili. —Jamil Santos/VBL, GMA News