Magsimula nang mag-ipon dahil magkakaroon ng one-night show sa February 2023 ang Irish boy band na Westlife.

Magiging bahagi ng Wild Dreams Tour ng grupo ang Manila para sa one-night show na gaganapin sa Araneta Coliseum sa February 20, 2023.

Ayon sa post ng Wilbros Live sa social media nitong Martes, mabibili ang ticket simula sa June 4 sa Ticketnet.

Samantala, inihayag ng Westlife na, "To all our fans in the Philippines and Indonesia we are thrilled to announce that we will be playing shows in Manila and Jakarta early next year!"

"We hope to see you all there dancing along with us," ayon pa sa grupo.

Asahan na muling madidinig sa Wild Dreams Tour well-loved hits ng grupo kabilang na "Swear It Again," "Flying Without Wings," "If I Let You Go," "My Love," at iba pa.  — FRJ, GMA News