Inamin ni "Bubble Gang" star Sef Cadayona na nagkaroon siya ng "feelings" sa celebrity na may initial na "A.T."

Ginawa ni Sef ang pag-amin sa isang segment ng programang "Mars Pa More," kung saan itinanong na, "Sino sa mga nakatrabaho mong celebrity ang aminado kang nagkaroon ka ng konting konting feelings."

Sa segment, kailangan ni Sef na padulasin ang bottled water sa lamesa na may mga pangalan ng hosts at guests sa programa.

Pero tila para talaga sa kaniya ang tanong dahil natapat ang bote sa kaniyang pangalan.

Panimulang paliwanag ni Sef, inadmire niya si "A.T." dahil sa magandang work ethics nito.

"On time, laging nagbabasa ng script, tapos willing siyang makipag-barter... professional," sabi ni Sef,  kasabay ng pahayag na "A.T." ang initial ng celebrity na kaniyang tinutukoy.

Hirit ng host na si Mars Camille Prats, naniniwala siya na hindi pa huli ang lahat para kay Sef at sa tinutukoy nitong si A.T.

Sino nga ba si "A.T."? --FRJ, GMA News