Matagal na ring single dad ang aktor na si Monching Gutierrez matapos silang maghiwalay ng kaniyang ex-wife na si Lotlot de Leon. Kumusta na nga ba ang kaniyang love life ngayon?

Sa programang "Mars Pa More," natanong si Monching kung mayroon na uli siyang niligawan na babae.

"Meron naman!" sagot ni Monching .

"Nanligaw naman ako. Tsaka may mga nanligaw din sa akin," pabirong dagdag ni Monching.

Ikinasal sina Monching at Lotlot noong 1989 at tumagal ang kanilang pagsasama hanggang 2010.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, nanatiling magkaibigan sina Lotlot at Monching.

Mayroon silang apat na anak, na sina Janine, Maxine, Diego at Jessica.

Muli namang nagpakasal si Lotlot sa Lebanese businessman na si Fadi El Soury noong 2018.

Samantala, ikinuwento rin ni Monching ang hindi niyang malilimutang bonding nilang mag-aama nang naiwanan sa loob ng kotse ang susi ng sasakyan na naka-lock. Panoorin ang video. 

--FRJ, GMA News