Bigo si Amber Heard na makumbinsi ang isang hukom sa Virginia, USA na muling dingging ang defamation case na ikinatalo niya sa dati niyang mister na si Johnny Depp.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, hiniling ng mga abogado ni Amber kay Judge Penney Azcarate na isangtabi ang hatol sa pag-award ng $10 milyon na napanalunan ng aktor, at magdeklara ng "mistrial."

Gayunman, sinabi sa ulat na ibinasura ng hukom ang naturang hiling ng kampo ng aktres.-- AFP/FRJ, GMA News