Inaasahan ang mas mature at level up pa na SB19, na may kaaabangang exciting at mga bagong proyekto.

Sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi sa panayam ni Lhar Santiago na magiging abala ang SB19 sa susunod na buwan.

Gayunman, hindi pa naglahad ng detalye ang grupo tungkol sa kanilang mga proyekto, na tiyak na aantabayanan ng fans.

Inilahad din ng SB19 na meron silang mga aktibidad para sa kanilang fans abroad.

"Madami po kaming na-experience and there are a lot of things na we learned. There are failures, maraming failures na naranasan namin, and there are successes. Kung ano 'yung sa tingin namin na nakakatulong sa amin, siyempre ina-apply namin," sabi ni Ken.

Ang SB19 ay binubuo nina Pablo, Josh, Justin, Ken, at Stell. —Jamil Santos/VBL, GMA News