Mommy na ang komedyanteng si Kitkat makaraang iluwal ang kaniyang first baby na isang babae.

Ibinahagi ni Kitkat sa Instagram ang magandang balita. Nag-post ang aktres nitong Martes ng larawan niya habang hawak si baby Uno Asher B. Favia.

“My life is complete,” saad niya sa caption. “Thank you, Lord, for this greatest blessing. I praise, trust and honor and love you, oh Lord.”

Kabilang sa mga bumati kay Kitkat sina MJ Lastimosa, Melissa Gohing, Claudine Barretto, Danica Sotto, at Zsa Zsa Padilla.

Unang inanunsyo ni Kitkat na magkaka-baby na sila ng kaniyang asawa na si Waldy Favia noong Valentine’s Day.--FRJ, GMA News