Kabilang ang Kapuso actress na si Jean Garcia sa mga nagningning ang kagandahan sa GMA Gala Night. Ang kasama niya rumampa, ang guwapo niyang anak na si Kotaro.

Sa Instagram, nag-post si Jean ng larawan ni Kotaro sa naturang gala.

“Flex ko din lang po yung date ko sa GMA Thanksgiving Gala guys,” saad ni Jean sa caption.

“[T]hank you honey for being with me last night, this means a lot to me. Thanks a million for always having my back. I love you son! Gwapo po ng anak ko di ba?!!! Proud mom here,” dagdag niya.

 

 

Ginanap ang GMA Gala Night nitong weekend kasabay ng pagdiriwang ng 72nd anniversary ng network. Dinaluhan ito ng GMA celebrities, executives and friends.—FRJ, GMA News