Matapos aminin ni Rita Gaviola, na kilala bilang si Badjao Girl, na isa na siyang mommy, nakiusap siya sa kaniyang mga basher na huwag idamay ang kaniyang anak sa mga panlalait.

Bagaman marami ang bumati kay Rita sa kaniyang pagiging ina, mayroon din ilan na negatibo ang naging komento.

Ilan sa mga komento ay pagkakaroon niya ng anak sa murang edad na 19. May mga nanghihinayang din sa mga oportunidad na posibleng mawala sa kaniya tulad ng pagsali sa beauty pageant.

Sa Instagram, nag-post si Rita ng larawan ng kaniyang baby.

Sabi niya sa caption, “Sabihan ninyo lang ako masasakit na salita, kahit laitin niyo ako okay lang sa akin. Basta wag ninyo lang idamay ang anak ko tatanggapin ko lahat ng masasakit, wag lang anak ko.”

 

 

Unang nakikila si Rita nang mag-viral sa social media ang larawan niya habang nasa kalsada ng Lucban, Quezon kasama ang iba pang Badjao noong 2016.– FRJ, GMA News