Magkahiwalay na nag-coffee date at coffee trip sa Seoul, South Korea ang Kapuso couples na sina Bianca Umali at Ruru Madrid, at mag-asawang Megan Young at Mikael Daez.

Unang nagpunta sina Ruru at Mikael sa Seoul para sa taping ng kinabibilangan nilang show na "Running Man Philippines."
  
Sa Instagram post ni Ruru, makikita sa video ang sweet coffee date nila ni Bianca sa isang cafe na may magandang view.

Isinandal pa ni Bianca ang kaniyang ulo sa balikat ni Ruru, at masaya namang napatingin sa kaniya ang aktor.

"But first, let's drink a lot of coffee together - forever ????" caption ng "Lolong" leading man.

 

 

Sa kaniya namang Instagram, ibinahagi rin ni Bianca ang video na magkasama sila ni Ruru habang pinagmamasdan ang ulan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by B (@bianxa)

 

Nagtungo si Bianca sa South Korea, kung saan nagte-taping si Ruru para sa "Running Man Philippines."

Samantala, sumunod din si Megan sa kaniyang asawang si Mikael sa Seoul at in-enjoy ang kanilang coffee "trip."

Sa kaniyang Instagram, sinabi ni Megan na sinundo niya mismo si Mikael na ilang buwan din nawalay sa kaniya.

"Reunited... again ???? sinundo pa nga sa Korea ang asawa hahaha coffee trip muna bago umuwi kay Salem, Soba at Chia!! ??????" caption ni Miss World 2013.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Megan Young (@meganbata)

 

Hindi naman pinalampas ng Kapuso couple ang masarap na kape sa Pastel Coffee Works sa Seoul.

Sa kaniya namang Instagram, ibinahagi rin ni Mikael ang reunion nila ni Megan nang matapos na ang taping ng aktor para sa Running Man Philippines.

Ayon kay Mikael, itutuloy nila ang kanilang samgyupsal adventures.

"Bonez and Fofo are back in action!!! As Running Man taping ends today, Boneezy flew over to Seoul once again so we can go on our own samgyupsal adventures ???? Will be sharing our stories soon!" caption ng aktor.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

 

--FRJ, GMA News