Ipinakita ni Marian Rivera ang kaniyang timeless beauty sa kaniyang photoshoot, kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang ika-38 kaarawan ngayong Biyernes, Agosto 12.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Marian ang mga larawan sa kaniyang pre-birthday photoshoot.

 

 

Naka-all black ensemble si Marian with gold access sa isang set ng kaniyang mga larawan.

 

 

Looking gorgeous din si Marian sa kaniyang white bold dress.

 

 

May "simple pero rock" na pagbati naman si Dingdong Dantes sa kaniyang misis na si Marian.

“Rockin’ our worlds since 1984. Happy birthday, my [l]ove,” sabi ng aktor sa caption ng ipinost niyang larawan ng kaniyang maybahay. --FRJ, GMA News