Simpleng ipinagdiwang nina Kris Bernal at Perry Choi ang unang taon nila bilang mag-asawa.

Lumabas at nag-dinner ang mag-asawa, at niregaluhan ni Perry ng mga bulaklak si Kris.

“For our first wedding anniversary, simply being together is enough; no fancy dates, no getaways, no luxurious gifts,” saad ni Kris sa caption ng mga larawan na ipinost niya sa Instagram.

Biniro pa ni Kris ang mister at sinabing, "Mukha ng asawang ander ng misis."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

 

Nagpasalamat si Kris dahil sa pagiging pasensyoso raw sa kaniya ni Perry.

"Thank you for always being patient as I continually figure out being a better wife. Despite the fact that I may not be the ideal housewife you were hoping for, you can be sure that I will make every effort to be the best Mrs. Choi for you," patuloy ng aktres.

Sabay pahabol niya ng, “Kalma ka lang, dadating tayo dyan!”

Matatandaan na ikinasal ang dalawa sa Magallanes Church noong nakaraang taon, matapos ang kanilang engagement noong Pebrero 2020. --FRJ, GMA News