Wala raw sama ng loob si Sharon Cuneta matapos na hindi siya papasukin sa isang branch ng Hermes sa South Korea.

Sa Instagram post, tiniyak ng Megastar sa kaniyang fans na ayos lang siya sa kabila ng nangyari.

"Don't feel bad about Hermes not letting me in!" saad ni Sharon na ipinanggol din ang ginawa ng tindahan. "Lots, if not all name-brand stores even in the US allow a certain number of people in at a time—sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store."

"Lots also ask you to make an appointment. [COVID-19] measures nila 'yan so okay lang," dagdag pa niya.

Ibinahagi ni Sharon ang naturang insidente sa kaniyang vlog. Dahil sa hindi siya nakapasok sa Hermes, nagpunta ang aktres sa Louis Vuitton at doon namili.

Matapos nito, dumaan muli siya sa Hermes bitbit ang mga shopping bag galing sa Louis Vuitton.

"Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh!" sabi  ni Sharon. —FRJ, GMA News