Sa nakaraang episode ng "The Boobay and Tekla Show," inihayag ng "Pambansang Yobab" ng Tiktok na si Euleen Castro na single siya ngayon at naghahanap ng future partner sa buhay.

"Nagka-boyfriend na po ako. [Pero ngayon], wala po," sabi ni Euleen, sabay biro na "Sinandomeng" ang pangalan ng lalaki.

Inilahad ni Euleen ang mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki.

"Ang gusto siyempre mabait. At saka 'yung nagta-try sa buhay. 'Yung kahit wala naman siyang ganoong kakayanan pero nagta-try siya. Tapos may pangarap," sabi ng Tiktoker.

Dahil dito, sumalang si Euleen sa "Pusuan Na 'Yan" kung saan pipili siya ng natitipuhan niyang Kapuso hunk base sa pagkilatis niya ng kanilang boses.

Sino kaya sa Kapuso hearthrobs na sina Kirst Viray, Raheel Bhyria, at Kim Perez ang mapipili ni Pambansang Yobab? Alamin.

--FRJ, GMA Integrated News