Stunning sina Michelle Dee at Rhian Ramos sa kanilang twinning sexy outfits nang sumabak sa "Pinoy Henyo" ng "Eat Bulaga" kahit hindi raw siya nag-usap.

Biro ni dabarkads Paolo Ballesteros, "laundry day" ng dalawa at baka hindi natuyo sa sinampay ng mag-housemates na sina Michelle at Rhian.

Nakasuot ang dalawa ng sexy black lingerie nang sumalang sila sa Pinoy Henyo segment ng Eat Bulaga nitong weekend.

"Hindi kami nag-usap ha, kahit magkasama kami sa bahay. Magkahiwalay kaming dumating tapos same kami ng suot," sabi ni Michelle.

Noong nakaraang Setyembre nang ianunsyo ni Rhian na magsasama na sila ng kaniyang beshie na si Michelle sa iisang bahay.

Malapit din ang kanilang bahay sa isa pa nilang kaibigan na si Max Collins.

Samantala, sa pagsabak nila sa Pinoy Henyo, si Rhian ang humula sa salita at si Michelle naman ang sumagot sa mga clue.

Nasagot naman nila ang pinapahulaang salita na "belt" sa loob ng 1:29.98 pero hindi naging sapat para sila ang maglaro sa jackpot round. Panoorin ang naturang episode sa video. --FRJ, GMA Integrated News