Magsasama na sa iisang bahay ang magkaibigang Rhian Ramos at Michelle Dee.

Sa nakaraang panayam ng PEP.ph, sinabi ni Rhian na uupa sila ni Michelle ng bahay, na malapit lang sa bahay ng isa pa nilang kaibigan na si Max Collins.

Sa Instagram post nitong Lunes, inilahad ni Rhian na nagiging "senti" siya sa pag-alis sa kaniyang tinitirhan.

"One last night here before I move to a new sanctuary and it's getting senti!" saad ni Rhian sa caption.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)

 

Kilala ang pagiging malapit na magkaibigan ng tatlo na madalas magkasama sa mga larawan na kanilang ipino-post sa social media.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MMD (@michelledee)

 

--FRJ, GMA News