Inilabas na ang bagong bersiyon ng 1986 EDSA People Power anthem na “Handog ng Pilipino sa Mundo” na isinulat ni Jim Paredes.

Inilabas sa YouTube nitong Huwebes ang remake ng naturang awitin na binigyan ng modernong areglo, music video, at rap portion nina Elmo at Arkin Magalona.

Magkakasamang naghandog ng kanilang mga tinig ang mga beterano at mga millennial na mang-aawit.

Kabilang dito sina Jim, Boboy Garrovillo, The Company, Bituin Escalante, Noel Cabangon, Pinky Marquez, Celeste Legaspi, at Mitch Valdez.

Makikita sa music video ilang tagpo sa nangyaring EDSA People Power Revolution na ipinagdiriwang tuwing Pebrero 25.

FRJ, GMA Integrated News