Naging extra memorable para sa isang couple ang “Love on Tour” concert ni Harry Styles, nang mag-propose ang lalaki sa kaniyang nobya matapos pumayag ang English singer na maka-duet siya nito.

Sa isang bahagi ng kaniyang concert, na mapapanood sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, nagbasa si Harry ng sign mula sa isang babae na nagsabi “Harry, my boyfriend said he will propose if you duet with him.”

Pinagbigyan naman ni Harry ang lalaki.

“Jeff, do you want to get married?” tanong ni Harry sa fan.

Napuno ng kilig ang stage nang mag-propose na si Jeff sa kasintahang si Michelle. Napataas din ng kamay sa tuwa si Harry nang ma-engaged na ang couple.

Trending ang #HarryStylesinPH at #LoveOnTourPH.

Present din sa concert ang ilang Kapuso stars tulad nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, “The Write One” stars Mikee Quintos at Paul Salas, at “Zero Kilometers Away” stars na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.  — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News