Inihayag ni Julie Anne San Jose na tapos na siya sa pa-tweetums at mas handa nang sumabak sa mature roles.

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing isa sa mature roles na kaniyang gagampanan ang kaniyang karakter sa upcoming film nila ni Rayver Cruz na “The Cheating Game.”

Ayon sa Asia’s Limitless Star, ibang Julie ang mapapanood sa pelikula dahil tumatalakay ito sa mga pagsubok sa relationship at sa buhay.

“Para kasing tapos na ‘yung tweetums,” natatawang sabi ni Julie. “Pero wholesome naman siya, very, very wholesome and relatable. Kasi it doesn’t only happen in relationships but in life.”

Ang “The Cheating Game” ay sa ilalim ng GMA Public Affairs.

 

 

Noong nakaraang buwan, niregaluhan sina Julie at Rayver ng isang coffee truck ng kanilang fans bilang pagsuporta sa kanilang pelikula. —LBG, GMA Integrated News