Sa ika-siyam na taong anibersaryo nila bilang couple, inihayag ni AiAi Delas Alas na napatunayan niya na hindi "kathang isip lang" ang magkaroon ng mabuting kabiyak dahil sa kaniyang mister na Gerald Sibayan.

Sa Instagram, nag-post ang Comedy Queen ng slideshow ng larawan nila ni Gerald mula 2014 hanggang 2023.

Sa caption, may sweet message si AiAi para kay Gerald na naging mabuti umanong asawa.

“I always thought that a perfect husband is a myth, kathang isip lang[,] sabi sabi[,] kwento kwento kasi dati ang lalaki [sa ‘kin] toxic,” saad ni AiAi.

Pero nagbago raw ang pananaw ng aktres dahil kay Gerald.

“[Totoo] pala na may lalaking maayos, may asawang mabait[,] meron palang forever...akala ko bilihan lang damit ang may forever (21),” patuloy niya.

Nagpasalamat si AiAi kay Gerald sa pagiging asawa, partner, boyfriend, friend, gossip buddy, at provider.

“[I] love you so much my darling ko[,] yes looking forward sa 10 years [natin] next year.. tarush te going strong!!!” sabi pa ng aktres.

"[Ang] lungkot ng mga bashers at hater 9 years na e mali sila," dagdag niya.

 

 

Umaasa si AiAi na patuloy na mabibiyayaan ng pagmamahal at saya ang kanilang pagsasama ni Gerald.

Taong 2017 nang ikasal sina AiAi at Gerald sa simabahan, at nag-renew sila ng kanilang vows sa Las Vegas nitong 2022.—FRJ, GMA Integrated News