Blooming at nag-uumapaw ang kaligayahan ni LJ Reyes ngayong engaged na siya sa kaniyang non-showbiz boyfriend.
 
Sa kaniyang Instagram, inanunsyo ni LJ na engaged na siya kay Philip Evangelista, na nakabase sa New York.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

 

Sa kanilang mga larawan, makikitang naka-all-white ang dalawa habang nasa beach. Dito, lumuhod si Philip at inalok ng kasal si LJ.
 
Hindi napigilang maging emosyonal ng aktres, habang pinapahiran ni Philip ang kaniyang luha.
 
““For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.” Jeremiah 29:11 NLT” caption ni LJ.
 
Noong 2021, kinumpirma ni LJ na hiwalay na sila ng aktor na si Paolo Contis. May anak sila na si Summer.

May anak din si LJ sa dati niyang karelasyon na si Paulo Avelino na si Aki.  — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News