Natupad na ang pangarap ni Bugoy Cariño na makasayaw at makatrabaho ang kaniyang idolong si Mark Herras.

Sa kaniyang Tiktok, na mapapanood din sa Star Bites ng Balitanghali nitong Huwebes, pinost ng dating child star at aktor ang dance challenge nila ni Mark kasama ang iba pang celebrities na sina Zeus Collins at Kid Yambao.

Bukod dito, makakasama rin ni Bugoy si Mark sa pag-arte, dahil kasama si Mark sa pagbibidahang pelikula ni Bugoy na “Huling Sayaw.”

“Hindi ko nga po akalain na makakasama ko si Kuya Mark kasi dati sobrang idol ko siya. Isa sa mga idol ko nakasama ko sa movie tsaka nakasama ko pang sumayaw, so sobrang, grabe, wala akong masabi,” sabi ni Bugoy.

 

@iambugoycarino

Nakakagana sumayaw kapag mga idol kasama ????

? SAGUTIN - SV Squad


--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News