Inamin ni Mikoy Morales na hindi siya boto noon kay Paul Salas para maging kasintahan ng kaniyang best friend na si Mikee Quintos.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, ipinaliwanag ni Mikoy na nais lang niya ang pinakamabuti para sa kaniyang kaibigan.

“Ang pinaka frustration ko lang doon, sa lahat nang pinagdaanan natin, all the things we grew from, babalik ka sa step 1 dahil sa taong ‘to?” sabi ni Mikoy kay Mikee, na guest din sa naturang show.

BASAHIN: Mikee Quintos, na-in love at nagtapat kay Alden Richards?

"What about your progress? What about your development?" patuloy niya.

Ayon naman kay Mikee, iginagalang niya ang pananaw ni Mikoy. Pero mas nagkakilala na umano ang dalawa nang magkasama sila sa seryeng "Lolong."

“Nagkasama kami sa [‘Lolong’], and then magka-room pa kami ni Paul,” ani Mikoy.

“I got to know the guy, and noong nakilala ko na si Paul kung paano talaga siya as a person without Mikee in the picture, that’s when I realized na [okay naman pala siya],” dagdag niya.

Kasalukuyang napapanood si Mikoy sa GMA Primetime Series "Maging Sino Ka Man," kasama sina David Licauco at Barbie Forteza.

Nitong nakaraang July, ipinagdiwang nina Mikee at Paul ang kanilang second anniversary. — FRJ, GMA Integrated News