Ikinasal na sa New York, USA ang aktres na si LJ Reyes sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Nitong Linggo, nag-post sa Instagram ng mga larawan at video sa ginanap na kasal ang ilang bisita, kabilang sina Mark Baquiran-Esposito at Mikka Marcaida.

Sa isang video, makikita ang bagong kasal na ginagawa ang tradisyunal na pag-slice ng wedding cake.

Nakasuot ng tube wedding gown si LJ, habang naka-white embroidered suit naman si Philip.

Noong nakaraang Mayo naging engaged sina LJ at Philip, na inulan ng pagbati mula sa fans at maging sa mga kapuwa celebrity ni LJ.

 

Matatandaan na lumipat si LJ sa Amerika, kasama ang kaniyang mga anak na sina Aki at Summer, matapos silang maghiwalay ni Paolo Contis noong 2021. —FRJ, GMA Integrated News