Binawian ng buhay nitong Miyerkules ang veteran broadcaster na si 'DJ Richard' Enriquez. Siya ay 59-anyos.

Sa post sa social media platform na X (dating Twitter) ng Super Radio dzbb kung saan siya nagpoprograma, sinabing pumanaw si DJ Richard dahil sa karamdaman.

"Nagluluksa ang buong GMA Network sa pagpanaw ng beteranong brodkaster at Kapuso na si Jose S. Enriquez na kilala natin bilang DJ Richard sa kaniyang programang Golden Memories sa Dz Dobol B," ayon sa post.

 

 

Ang mga labi ni DJ Richard ay ibuburol sa 2ndfloor, Mercy B, Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Matandang Balara, Quezon City simula bukas, October 27, 2023 ng 10:00AM hanggang October 30, 2023 ng 10:00PM.

--FRJ, GMA Integrated News