Kung may mga umusbong na pagmamahalan at sinelyohan ng kasal, may mga celebrity couple din na naghiwalay ngayong taong 2023. Balikan kung sinu-sino ang mga magmo-move on sa 2024.

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Naging maugong na usapan ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos ang 11 taon nilang relasyon.

"What Deej and I had was real. It was never for show. We were together not because of the cameras, not because of the fans, not because of the money that comes with a successful love team. We were genuinely in love," saad ni Kathryn sa kaniyang Instagram.

 

 

Ayon kay Kathryn, sinubukan nila ni Daniel na ayusin ang kanilang relasyon, ngunit hindi na nila ito naisalba.

Sinabi pa ni Kathryn na "chapter closed" na ang relasyon nila ni Daniel at hindi na muna siya sasagot sa mga katanungan hinggil sa isyu.

Sabi naman ni Daniel sa mensahe niya kay Kathryn, "Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw. Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows."

"Our lives may drift away, but our love will still ride that tide," pagpapatuloy ng binata.

Sa dulo ng kaniyang mensahe, inihayag ni Daniel na nananatili ang pagmamahal niya kay Kathryn na "walang hanggan at walang katapusan."

Kim Chiu at Xian Lim

Naghiwalay na rin sina Kim Chiu at Xian Lim matapos ang halos 12 taon na relasyon.

"[E]nd of a love story," saad ni Kim sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre. "In a relationship, love is always a significant factor, but sometimes love is not enough."

Nagpasalamat din si Kim kay Xian, “for the almost 12 years of beautiful memories together one can never imagine."

"You will always have a place in my heart. Thank you for showing me what love is,” dagdag niya.

“Dearest Kim, thank you for the long years we have spent loving each other,” saad ng aktor, na nagpahayag ng hangarin na makita ng aktres ang nararapat na pagmamahal at kaligayahan na hinahanap.

“Like all good things, it must eventually come to an end. I am grateful for all the moments we shared together. Thank you for all the unconditional love throughout the years. My respect and admiration for you as a person, as an artist, and as someone I spent more than a decade with will always remain," mensahe pa ni Xian kay Kim.

Kris Aquino at Mark Leviste

Kinumpirma rin ni Kris Aquino na muli siyang nakipaghiwalay kay Batangas Vice Governor Mark Leviste nitong Nobyembre.

“It was a [well-thought-out] decision based on choosing to do what’s best for me now,” saad niya.

“I’m dealing with so much, and my love life isn’t a priority,” dagdag pa ni Kris. "The truth is that I chose to lessen the stressors in my life and put my [well-being] first."

 

 

Andrea Brillantes at Ricci Rivero

Kinumpirma ni Ricci na naghiwalay na sila ni Andrea noong Mayo.

Ayon kay Ricci, maraming dahilan sa likod ng kanilang breakup, kabila ang viral video na may nakitang babae si Andrea sa condo ni Ricci.

"'Yung cause ng breakup was 'yung speculation ngayon, 'yung may kumakalat sa social media na may nakita siyang girl sa place ko," sabi ni Ricci.

"Ilang beses naman namin napag-usapan 'to, as in sobrang daming beses na sinabi ko sa kaniya, with all the evidences I have, na hindi sa 'kin 'yung girl," paliwanag niya.

Max Collins at Pancho Magno

Matapos ang walong taon nilang pagsasama, kinumpirma ni Max Collins noong Mayo na hiwalay na sila ng kaniyang dating mister na si Pancho Magno.

Nangyari ang kanilang paghihiwalay noong panahon ng pandemic.

"I didn't talk about it because s'yempre, marami kaming pinagdaan as a family that time because there was a pandemic, nanganak ako, my marriage was falling apart," sabi ni Max.

Ayon pa kay Max, maayos o "amicable" ang kanilang paghihiwalay ni Pancho, at napagkasunduan nila na gawin ito sa tahimik na paraan.

"We were not working [out], and we needed to try spending time apart to see how that would work because we have a son to think about."

Gayunman, sinabi ni Max na maganda ang co-parenting relationship nila ni Pacho sa kanilang anak na si Skye.

Rita Daniela at non-showbiz partner

Inamin naman ni Rita Daniela na hiwalay na sila ng kaniyang non-showbiz partner na ama ng kaniyang anak na si Baby Uno.

Apat na taon ang relasyon nila ng kaniyang dating nobyo.

"Naghiwalay na po kami nung Tatay ni Uno. We really tried our best just like everybody else but it didn't work out," ayon kay Rita.

Gayunman, sinabi ni Rita na nananatili silang magkaibigan ng kaniyang dating nobyo at magkatuwang nilang itataguyod ang kanilang anak.

Arra San Agustin at Juami Tiongson

Hiwalay na rin si Arra San Agustin sa PBA player na si Juami Tiongson.

“We broke up last year around October. Last talk namin was first week of January, that’s when we we really cleared things out. Kasi ‘di ba kapag nagbe-break naman kayo minsan you go back and forth pa rin,” sabi ni Arra sa isang panayam.

“Pero lalo na sa trabaho ko, I have to be proactive, so minsan nabe-blame ko siya dahil hindi ko nagagawa ‘yung ibang gusto kong gawin.”

“Unahin ko pa rin ‘yung sarili ko dapat,” saad ni Arra sa leksyong kaniyang natutunan.

Yassi Pressman and Jon Semira

Nitong nakaraang Agosto nang kumpirmahin nina Yassi Pressman at Jon Semira ang kanilang paghihiwalay.

Nilinaw ng dalawa na walang third party na sangkot sa kanilang hiwalayan.

Sa pahayag sa Instagram, sinabi ni Jon na mutual decision ang paghihiwalay nila ni Yassi.

“It was a decision made from the both of us, and us only. The third party rumors are false,” ani Jon, na nagsabi rin na nangyari ang kanilang paghihiwalay “after an amazing run,” at ngayon ay looking forward sila sa susunod na bahagi ng kanilang bahay.

Ayon naman kay Yassi, nananatili ang magandang ugnayan nila ni Jon, at iginagalang niya ang privacy ng kaniyang dating nobyo.

“Unfortunately it just didn't really go that way. Pero at the end of the day I value the time that I’ve had with the person,” anang aktres. “Lahat naman may malaking naiambag sa buhay ko hindi ko makakalimutan.”

--FRJ, GMA Integrated News