Pumanaw na sa edad na 88 ang veteran broadcaster at dating anchor ng GMA Balita na si Mike Lacanilao.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng asawa ni Mike na si Anna Francisca Castañeda-Lacanilao, ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes.

Naging co-anchor noon si Mike ng GMA Balita, na isa sa mga news and public affairs shows ng Kapuso network noong 1990s. Siya rin ang presidente ng Febias College of Bible mula 1976 hanggang 1982.

Magkakaroon ng joint memorial service para kay Mike na gagawin sa Greenhills Christian Fellowship sa Ortigas sa Martes, Feb. 13.

Bubuksan naman sa publiko ang kaniyang burol sa Huwebes, sa Sucat, Parañaque bago siya ihatid sa huling hantungan.-- FRJ, GMA Integrated News