Inihayag ni Rabiya Mateo na hindi na nila pinakikilaman ng nobyong si Jeric Gonzales sa mga cellphone ng bawat isa dahil mas tiwala na sila sa isa’t isa pagdating sa kanilang relasyon.

“Dati I have access, we both have access sa phones namin. [Ngayon] wala na, kasi we trust each other na,” sabi ni Rabiya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Inilahad din ng beauty queen ang kaniyang kondisyon para tuldukan ang isang relasyon.

“Siguro kapag hindi na ako mahal,” sabi ni Rabiya. “Sa actions, Tito Boy.”

“Kapag wala na ‘yung respeto and at the same time, ‘pag mas okay na ‘yung hindi kayo nag-uusap kaysa pinag-uusapan niyo,” dagdag niya.

Sinabi ni Rabiya na ipaglalaban niya ang isang relasyon kapag alam niyang may pagmamahal pa, “kahit kaunti.”

“Pero kung wala na, kahit mahal ko pa siya, let go na,” ani Rabiya.

Samantala si Elle Villanueva naman, na panauhin din sa naturang episode, sinabing hindi niya pinakikialaman ang telepono ng kaniyang nobyong si Derrick Monasterio.

“Hindi ko rin hinihingi ‘yung password niya. Wala po kaming access to our private accounts so I never saw his, puwera na lang kung may ipapa-check sa akin. Pero hindi ko naman chini-check masyado ‘yung messages niya,” natatawang sabi ni Elle.

“Pero wala naman kasing reason para pagselosan kay Derrick. So thank God,” dagdag ni Elle.

Inilahad din niya ang kaniyang boundaries pagdating sa isang relasyon.

“Siguro kapag nagbigay na ako ng maraming chances pero hindi pa rin niya nirerespeto ‘yun, aalis na ako,” sabi ng “Makiling” star

Para pa kay Elle, kailangan ding nauunawaan ng isang partner ang kaniyang trabaho bilang artista.

“It should be normal for us to be working with a different partner na merong touch, may kiss. So I think that’s fine kasi we chose this eh,” sabi pa ni Elle.

Parehong kinumpirma nina Rabiya at Jeric na nagde-date sila noong Marso 2022, ngunit naghiwalay tatlong buwan.

Gayunman, nagkabalikan din sila noong Valentine’s Day ng nakaraang taon.

Kinumpirma nina Elle at Derrick ang kanilang relasyon noong nakaraang taon.

Parehong bahagi sina Rabiya at Elle ng Sparkle 10. -- FRJ, GMA Integrated News