May sagot ang Nation's Girl Group na BINI sa mga basher na nagsabi sa kanila na hindi sila sisikat, "feeling K-Pop," at hindi umano mga magaganda."Sa mga nagsabi na hindi kami sisikat, thank you so much for inspiring us. Kasi sila talaga 'yung nag-push sa amin. Sila 'yung nag-inspire para mag-work harder kami," panimula ni BINI Stacey sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes."At the end of the day, meron pa rin 'yung affected kami pero hindi kami magpapatalo. Mga dummy account lang 'yung mga 'yan na nagtatago. So deadma," dagdag ni Stacey.Si BINI Colet naman, sinagot ang mga nagsabing "feeling K-pop" umano sila."Siyempre po, nakaka-sad. Kasi meron naman po tayong sariling atin. But at the same time, parang hindi po siya masama. Kasi lahat naman po tayo, I'm sure, hindi lang po ang BINI, nai-influence sa K-pop, and naka-i-influence sa isa't isa, 'yung ibang grupo rin po. So, I mean, okay lang po siya," tugon ni Colet.Si BINI Gwen, nagkomento sa mga nagsasabing hindi sila magaling."Sa mga nagsasabi po na hindi kami magaling, we respect your opinion, but if you can make constructive criticisms na lang po, rather than generic statements para mas matulungan po kami mag-improve. Mas okay po 'yun," pahayag niya.Sinagot naman ni BINI Jhoanna ang mga nagsasabing nagli-lip sync lang umano ang BINI."Palagi po talagang may ganiyang comments po. Kahit magkanda-piyok piyok ka na, 'Lip-sync pa rin!' juice ko! Opo, pero, well, hindi naman po namin mapi-please lahat. And, kaming BINI, hindi naman po kami nag-training for two straight years para mag-lip-sync once na ma-debut kami," saad niya."Hindi kami nakakauwi po eh. Lahat ng sacrifices po ginawa namin. Siyempre, we always deliver live not just the performance, but also an experience. Kasi ginagastusan po kami ng ibang tao and ayaw naman namin po magbigay ng half-baked na performance po. So lahat po na nakikita niyo is pinaghirapan po namin 'yan and live po lahat ng 'yan," dagdag ni Jhoanna.Nagkomento naman si BINI Sheena sa mga nagsasabing hindi sila magaganda."Well, beauty is subjective. And feeling namin, if we don't fit into their standards, then it's fine. Pero naman sa mga taong nagagandahan naman sa amin but still choose to bash us, then it's also fine, you know? It's not something na nakaka-affect sa amin. Kasi everyday we're surrounded by people who always remind us that we are beautiful," sabi ni Sheena.Si BINI Aiah, nagkomento sa mga fans na nanghihimasok umano sa kanilang privacy at personal space."'Yung fans po namin, Blooms po very respectful po naman," sabi ni Aiah.Nagpaliwanag naman si BINI Mikha sa mga nagsasabing mayabang at snob na umano ang kanilang grupo."I'd like to say na, nako po, hindi po kami mayabang at all. And sa mga nagsasabing snob kami, hindi naman. Hindi lang namin mangitihan lahat. Hindi namin matingnan lahat sa mata or like, mag-hi sa lahat," sabi niya."And siyempre, if nasa labas kami under like, incognito mode, siyempre, we want to like, be private. Like, you know, siyempre, sometimes we won't make like, show na, ah, it's BINI Mikha na or like, ganu'n. Kasi, siyempre, baka it will cause a commotion pa in the mall or something like that," dagdag niya.Ilan sa mga patok na kanta ng BINI ang "Pantropiko," "Karera" at "Salamin, Salamin."Wagi ang BINI bilang International Breakthrough Artist at International Video of the Year para sa “Cherry on Top” sa BreakTudo Awards 2024 sa Brazil, and ginawaran din ng Best Asia Act sa 2024 MTV Europe Music Awards.Mayroon silang BINIVerse World Tour sa Pilipinas, Singapore, Dubai, London, USA, at iba pa.-- FRJ, GMA Integrated News