Hindi napigilan ni Kyline Alcantara na maging emosyonal matapos ma-meet ang pamilya ni Kobe Paras sa Los Angeles, California.Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, sinabing inilahad ni Kyline na labis ang kaniyang saya, at pinasalamatan niya ang kabaitan, pagmamahal at mainit na pagtanggap mula sa pamilya ni Kobe.“I’m so happy that they showed me love, that they appreciate our partnership… Yeah, I’m grateful,” sabi ni Kyline.Matatandaang Nobyembre noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Kobe ang dating status nila ni Kyline.Magkasama ang dalawa na dumalo sa block screening ng pelikulang “Mananambal” nitong Miyerkoles ng gabi, na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Nora Aunor. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News