Natupad ang isa sa mga pangarap ni Mika Salamanca matapos niyang i-launch ang kaniyang children’s book na “Lipad.” Ang PBB Celebrity Collab Edition Big Winner, emosyonal nang basahin ang mga isinulat niya sa rito at ipakilala ang diwatang si “Mahika.”
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa “24 Oras” nitong Martes, sinabing may kakaibang anyo ng mga pakpak ang diwatang si Mahika, na bida sa libro ni Mika.
“May mga kapitbahay po kami na ‘Mica! Mica!’ ganoon po ‘yung tawag sa akin sa Pampanga. And ‘yung apelyido ko po Salamanca rin. Everything is all about magic especially ngayon sa buhay ko. Parang lahat magic po, parang magic po lahat ng nangyayari,” ani Mika.
Para kay Mika, isa itong surreal moment dahil noon pa niya pangarap na makapagsulat ng libro.
“Gusto ko pong ipaliwanag sa mga tao. Gusto ko pong maramdaman nila na kahit na nasa journey ka ng buhay mo, na pakiramdam mo wala ka nang kakampi or ikaw lang mag-isa, meron at meron. As long na nandiyan ‘yung Panginoon. As long na nandiyan ‘yung sarili mo,” sabi ni Mika.
Nakatakdang mag-debut ang “Lipad” sa Manila International Book Fair 2025 na magkakaroon din siya roon ng book reading.
Full support din sa kaniyang bagong milestone ang kapwa Big Winner at ka-duo na si Brent Manalo. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
Mika Salamanca, emosyonal nang i-launch ang kaniyang children’s book na ‘Lipad’ at ipakilala si ‘Mahika’
Setyembre 2, 2025 10:46pm GMT+08:00
