Inilahad ng Sparkle star na si Zephanie ang karera na posible niyang pasukin kung wala siya ngayon sa showbiz industry.
Sa Kapuso Showbiz News, sinabi ni Zephanie na hindi agad pumasok sa isip niya noon na maging isang artista na umaarte.
“Kung ang pag-uusapan po natin is 'yung actress side, hindi talaga. Hindi siya pumasok sa isip ko dati na mag-a-acting ako, o gusto kong maging actress kasi nga, super mahiyain ako. And ang comfort zone ko talaga is singing. And even though mahiyain ako, I can be on stage kasi nga, kumakanta lang ako. For me, it's a whole different level to act,” sabi niya.
Kalaunan, nabigyan din si Zephanie ng mga oportunidad na umarte at sumailalim sa workshops kaya unti-unti na rin niya itong minahal.
“I'm not just learning things sa pagiging actress, pero also as a person and as a singer,” sabi niya.
Napanonood ngayon si Zephanie sa “Born To Shine” sa Afternoon Prime, kasama sina Michael Sager at Olive May.
Sinagot ni Zephanie ang tanong kung ano ang kaniya ang magiging karera niya kung hindi siya nag-artista.
“Kung hindi ako singer or actress or nasa showbiz industry, dalawa lang 'yung naisip ko. It's either doctor ako or nasa Olympics or SEA Games. Athlete,” sabi niya.
“My sport kasi was table tennis. ‘Yon 'yung naging varsity ako noong high school. So I don't think na, it's super-duper big. Pero, I would've pursued that path siguro if hindi ako natuloy dito,” dagdag ni Zephanie.
Kung doktor naman, gusto ni Zephanie na maging isang cardiologist.
“For me, sobrang special lang ng heart sa akin kasi everything just flows through there. Literally and figuratively,” dagdag niya.—FRJ GMA News
