Bumangga at sumampa ang isang utility van sa apat na concrete barrier sa southbound lane ng EDSA sa pagitan ng Annapolis Street at Connecticut Street sa San Juan bandang 3:40 a.m.

Sa lakas ng impact, nayupi at halos matanggal ang bumper ng sasakyan.

Hindi nasugatan ang 33-anyos na driver.

Tumanggi siyang humarap sa camera pero sinabi niya na nakaidlip siya habang nagmamaneho.

Galing daw siya sa kaibigan sa Quezon City at pauwi na sa Las Piñas.

Dahil humambalang ang mga natumbang barrier sa busway, hindi ito madaanan ng mga carousel bus mula sa Santolan station.

Maagang bumagal ang usad ng mga sasakyan sa southbound lane ng EDSA at 4:30AM nang mahatak ang naaksidenteng sasakyan. — BAP GMA News