Mga nangangarap lamang na umunlad ang kanilang buhay, nagbago ang buhay ng isang grupo ng mga mahihirap nang mabigyan sila ng makapangyarihang basura mula sa Canada at Korea.

Ngunit kung ano ang ikinaganda ng hangarin nila na mapabuti ang mundo at tulungan ang mga naaapi, siya namang ikinaitim ng budhi ni Kuya Thanos.

Mapataob kaya ng mga pinagsama-samang lakas ng The Scavengers ang makapangyarihang guantes ni Kuya Allan Peter Kuya Thanos?

Panoorin ang "The ScAvengers," na anniversary special ng Bubble Gang sa kanilang ika-24 anibersaryo. — Jamil Santos/DVM, GMA News