Engaged na ang Kapuso actor na si Mark Herras sa kaniyang girlfriend na si Nicole Donesa.

Ito ang kinumpirma ni Mark sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Hunyo 5, na may makikitang magkahawak na kamay at may engagement ring.

"Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay... I love you itchybear #toinfinityandbeyond," caption ni Mark sa post.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay... I love you itchybear ???????????? #toinfinityandbeyond ??????????

A post shared by AngeloSantos (@herrasmarkangeloofficial) on

 

Naging magkarelasyon sina Mark at Nicole noong Agosto nang nakaraang taon.

Inihayag na rin ng magkasintahan na sigurado na sila sa isa't isa kaya pinag-uusapan na nilang lumagay sa tahimik.

Napag-uusapan na rin daw nila ang kasal pero ayaw na munang magbigay ng detalye ni Mark.

Sabi naman ni Nicole, kung future ang pag-uusapan, sigurado na siya na gusto niyang makasama sa buhay si Mark.--FRJ, GMA News