High school pa lang daw si Ruth ay nadadaanan na niya ang pinapangarap niyang bahay dahil simple ito at kahit papaano ay malaki. Kaya naman nang makapag-asawa siya, binili niya ang bahay nang ibenta na.

Pero ang pinapangarap na bahay, tila may iba pang nakatira na naiwan at hindi nakikita. Ilan taon din daw kasing walang tumira sa bahay at creepy raw ang disenyo noon.

Ang kusina nga raw ng bahay, parang mogue ang hitsura dahil ang lababo nito ay isang diretso na pahaba. Kaya naman ang kusina, kasama sa mga ipinaayos nila.

Ngunit bukod sa kanilang nararamdaman, lalo pang tumibay ang kanilang hinala na may kasama sila sa bahay na hindi nakikita nang makuhanan sa CCTV ang paggalaw ng ilang bahay kahit walang tao.

May narehistro rin umanong kakaibang tunog sa kanilang kuwarto habang sila ay natutulog at nangyari ito dakong 3:00 ng madaling araw.

May kakaiba nga bang nilalang na nakatira sa dream house ni Ruth at naging isa na itong haunted house? Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News