Pinayuhan ng Philippine Embassy ang mga Pilipino na itigil ang pagsasagawa ng sabong sa France dahil itinuturing itong ilegal at pagmamalupit sa hayop. Ang mga lalabag, maaaring makulong at pagmultahin ng hanggang 45,000 euros.
Naglabas ng paalala ang Embahada matapos itong ialerto ng mga awtoridad ng France, at makatanggap ng mga reklamo kaugnay ng pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa sabong.
"The Philippine Embassy wishes to inform the Filipino community that it has been alerted by the French authorities on illegal gambling and cockfighting activities being conducted by Filipinos in France. There have also been complaints about disturbances to the peace and littering in connection with such activities," saad pahayag ng embahada.
Isang tradisyonal na aktibidad sa mga Pinoy ang sabong na pinaglalaban ang dalawang tandang at nilalagyan ng tari sa kanilang mga paa. Mayroon ding pustahan sa mga nanonood ng laban.
"The Embassy further reminds Filipinos that living and working in France would entail respect for and observance of French laws. Let us maintain the good name and reputation of the Filipino community with our French hosts," ayon sa embahada. — FRJ GMA News

